Monday, April 4, 2011

Pass time sa bahay..

      Nasubukan mo na bang maboring? dahil ikaw ay isang ina.. na ang tanging ginagawa mo lang ay ang mag alaga ng mga anak? Ang totoo marami sa atin ang may ganung situations..nakakaloka at nakakabagot! sobra! ..kaya noon nag-isip ako nang paraan kung papano ko malibang ang aking sarili!


      Habang nagluluto ako ng aming makakain..may mga gulay na may mga buto ang aking ipinunla mula sa pinaghiwaan ko nito.Kagaya ng kamatis, siling malalaki at kung ano ano pa..inilagay ko sa mga paso ang mga punla hanggang sa nag sipaglakihan at namunga! Nageenjoy ako hah! Alam nyo ba na t'wing magluluto ako ay namimitas ako ng mga gulay ko mula sa mga itinanim ko! libreng libre, masarap at masustansya pa! hahaha! 


      Masaya ang buhay ko sa aking munting tahanan..pati nga ang mga anak ko nageenjoy din..May ibibigay akong tips sa inyo hah, alam nyo ba na hindi ako bumibili ng sibuyas na kinikilo-kilo? mas minamabuti ko pa ang gumamit ng sibuyas na may dahon o kutsay.Mura lang ito, pwede kang makabili sa halagang limang piso (5.00) kada bigkis.  Malasa ito sa ginisa, sinabawan at pwede din gamitin sa salad vegestables.  At ang ginagawa ko pagka galing ko sa palengke itinatanim ko agad yung mga sibuyas na binili ko, bina-buget ko kaagad ang pinamimili ko sa loob ng isang linggo..kya naman kung minsan pagsapit ng lunes, eh, kada lunes kasi ako namamalengke, minsan may natitira pa sa paso kaya ayun lumago yung kutsay na itinanim ko. At take note, ngayon hindi na ako bumibili ng sibuyas kasi madami na akong tanim..c",")..simpleng diskarte pero nakakatulong na sa pagbubuget.


   Minsan sabi ng anak kong panganay na si Rovs. "Mama, mas maganda mag garden tayo sa likod ng bahay natin!" at ang sagot ko, "oo nga anak, sige subukan natin." Hindi nga ako nag dalawang isip at pinalinisan ko 'yong bakanteng area sa likod ng bahay. Hindi ako makapaniwala na ang dami naming naitanim! may patola, raddish, cassava, pepper, tomatoes, pop corn, lettuce, pechay at madami pang iba! Nag-e-enjoy na talaga kami ng mga anak ko. Imagine bonding time na namin ito kada weekends, masaya na at nakakatipid pa! Masustansya ang gulay lalo pa at alam ko na walang pesticides purely organic talaga.  


   Sa susunod ikukwento ko naman sa inyo ang mga dishes na nagawa ko mula sa aking  mga gulay. Sana'ý nag enjoy kayo sa pagbabasa..hanggang sa muli..

No comments:

Post a Comment